Mga guro: dapat nang panghimasukan ni Pangulong Marcos ayon sa isang teachers group

Kailangan nang panghimasukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga panawagan ng mga guro sa gobyerno.

Ayon kay Raymond Basilio, Secretary General ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) kailangan sa Pangulo magmula ang solusyon sa kanilang panawagan na magkaroon ng sapat na kompensasyon ang maibigay sa tamang oras ang mga benepisyo.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Gayunman, sinabi ni Basilio na nakalulungkot na tahimik lamang ang Malacañang sa kanilang mga panawagan.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sinabi ni Basilio na pangunahin sa kanilang mga hinihiling ay ang paglalabas ng performance-based bonus noong 2021 para sa mga guro at pangalawa naman ay ang usapin ng service recognition incentives.//CM