Amerika, magpapataw ng sanctions sa Iran kasunod ng pag-atake nito sa Israel

Magpapataw ang Amerika ng mga bagong parusa sa missile at drone program ng Iran matapos ang pag-atake nito sa Israel noong nakaraang weekend.

Dumating ang anunsyo ni US National Security Advisor Jake Sullivan matapos ipahiwatig ng ilang opisyal na pinaplano nilang mag pataw ng sanctions, kabilang sina Treasury Secretary Janet Yellen at  European Union foreign policy chief Josep Borrell.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Maalalang naglunsad ang Iran ng higit sa 300 missiles, drone at rocket sa Israel noong weekend, bilang pagganti sa nakamamatay na strike sa konsulado ng Tehran sa Damascus.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Nguunit sa kabila nito, naharang ang mga atake sa pamamagitan ng Iron Dome ng Israel at iba pa nitong air defense systems.