Kinumpirma ng Estados Unidos na nagsagawa ang US military forces ng airstrike laban sa isang ISIS-K planner.
Ayon kay US Central Command Spokesman Capt. Bill Urban ito ay bahagi ng ‘over-the-horizon counter-terrorism operation’ kung saan nangyari umano ang unmanned airstrike sa Nangarhar Province ng Afghanistan.
“U.S. military forces conducted an over-the-horizon counterterrorism operation today against an ISIS-K planner. The unmanned airstrike occurred in the Nangarhar Province of Afghanistan,” bahagi ng pahayag ni Urban.
Inihayag ni Urban na batay sa inisyal na report napatay nila ang target at walang civilian casualties.
Isinagawa ang airstrike isang araw matapos magbanta si US President Joe Biden na maghihiganti ito laban sa mga nasa likod ng Kabul airport terrorist attack na ikinamatay ng 13 sundalong amerikano at mahigit 60 sibilyan.
