Binisita ni Pangulong Bongbong Marcos ang Filipino community sa bansang Vietnam sa pagdating nito para sa state visit.
Sa kanyang mensahe, kinilala ng Pangulo ang malaking ambag ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa naturang bansa para mas palakasin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Vietnam.
Isa anya sa patunay na malapit ang ugnayan ng Pilipinas at Vietnam ay dahil sa people to people connection.
Muli ring ipinagmalaki ng Pangulo sa Filcom ang positibong pagkilala ng ibang bansa sa mga manggagawang Pilipino sa abroad, dahil sa kanilang natatanging sipag at dedikasyon sa trabaho.
Kaya hindi na raw sya magugulat kung maririnig din nya ang kaparehong paghanga mula sa Vietnam.
Pinasalamatan din sila ni Pangulong Marcos sa patuloy na pag suporta sa bansa sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang sweldo sa kanilang pamilya sa Pinas.
Wika ng Pangulo, ang mga naturang remittances ay hindi lang nakakatulong sa kanilang pamilya kundi maging sa buong bansa.