Alwyn Uytingco may nakaka-antig na mensahe sa kanyang asawang si Jennica

Ibinahagi ng aktor na si Alwyn Uytingco ang nakaka-antig na mensahe nito sa kanyang asawang si Jennika Garcia.

Sa isang mahabang facebook post sinabi Alwyn na ang buhay umano ni Jennica ay isang obra maestra na ginawa ng Panginoon.

Read More:  Joy Barcoma closes door on joining other beauty pageants

Pinasalamatan din nito si Jennica dahil sa pagiging bahagi niya pa rin sa magandang painting ng kanyang asawa.

Narito ang bahagi ng lengthy post ni Alywan, “Sa bawat minuto, oras, araw at taon na nakakasama kita, mas gumaganda at mas lumalalim ang pagtingin ko sayo. Kung ang buhay ay isang painting, maiintindihan natin kung bakit hindi sa lahat ng oras ay madali ang ‘pagpipinta’ nito.”

Read More:  Derek Ramsay denies alleged smuggling of controversial supercar

Magugunitang kamakailan lamang napabalita ang hiwalayan ng dalawa subalit sa ngayon ay unti-unti na umanong bumabalik ang magandang pagtitinginan ng mag-asawang Jennica at Alwyn.