US-CDC pinaikli ang isolation sa mga taong magpopositibo sa COVID-19

Pinaikli na ng US Centers for Disease Control and Prevention ang recommended time ng isolation ng mga tao na magpopositibo sa COVID-19.

Mula sa dating 10 araw, limang araw na lamang ito kung wala silang sintomas pero required ang mga ito na magsuot ng face mask sa susunod na limang araw.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Pinaikli na din ng CDC ang quarantine period ng mga taong na-exposed sa virus o sa nagpositibo sa limang araw kapag vaccinated ang mga ito.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Ang nasabing rekomendasyon ay matapos umanong maobserbahan na ang mayorya ng mga SARS-COV-2 transmission ay nangyayari naman sa early stage ng sakit o 1 hanggang 2 araw matapos maramdaman ang simtomas.

Ipinapayo din ng CDC na isagawa ang pagpapasuri ng mga taong exposed sa virus sa ikalimang araw.