Tuluyan nang nilisan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mediation table para sana ayusin ang gusot sa pagitan nina pole vaulter star Ernest John Obiena at Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).
Sa inilabas na statement ng PSC sinabi nitong hindi na sila makiki-alam sa hidwaan ng dalawang panig matapos ang desisyon ni Obiena na hintayin ang resolution ng Philippine Olympic Committee (POC) at International Olympic Committee sa harassment case na inihain nito laban sa PATAFA.

Iginagalang umano ng PSC ang naging desisyon ni Obiena na piniling resolbahin ang isyu sa pamamagitan ng ibang institusyon.
Subalit inihayag ng PSC na dapat ang mediation ang naging ‘first course of action’ dahil ito ay mas maayos, mas tahimik at patas na pagresolba sa usapin.
Magugunitang inakusahan ng PATAFA ang Olympian pole vaulter na hindi binabayaran ang kanyang Ukranian coah na agad naman nitong itinanggi.