Alternative Work Arrangement ipinatupad sa ilang kawani ng LGU Talisay

TALISAY, CAMARINES NORTE – Sa pamamagitan ng isang kautusan ay nagpatupad ng work from home arrangement si Talisay Mayor Donovan Mancenido sa lahat ng mga empleyado ng LGU na 60 anyos na pataas, permanent o job order man, buntis at may comorbidities

Habang ipunagutos rin ang “No Face Mask, No Face Shield No Entry” sa lahat ng mga empleyadong kabilang sa skeletal work force at maging sa lahat ng mga papasok sa mga tanggapan ng munisispyo

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Nagkaroron din ng adjustment sa oras ng pasok ng mga kawani ng munisipyo kung saan mula na lamang alas 8 hanggang alas 4 ng hapon.

Ito ay upang bigyang daan ang araw-araw na gagawing disinfection sa mga tanggapan mula alas 4 hanggang alas 5 ng hapon

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ang nabanggit na mga kautusan ay bunsod na rin ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa naturang bayan