Catanduanes, muling nakapagtala ng aktibong kaso ng COVID-19

BNFM BICOL—Muling nakapagtala ng aktibong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Catanduanes matapos ang ilang linggo nitong “zero COVID-19 active case” status.

Batay sa pinaka latest na datus na inilabas ng Provincial Health Office as of May 3, 2022, naitala ang aktibong kaso ng sakit sa probinsya mula sa bayan ng Viga at tinukoy ito bilang isang 30-anyos na lalaki, walang travel history at kasalukuyang asyptomatic mula sa nasabing sakit.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu
Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Samantala, nananatili namang “zero case” ang mga natitirang bayan sa lalawigan, habang umabot na sa 3,193 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng sakit sa lugar kung saan 3,060 sa mga ito ang mga gumaling habang nasa 132 naman ang mga nasawi.###