Allowances at benefits para sa mga guro na magsisilbi sa 2022 elections, pinatataasan

Naniniwala ang ilang grupo ng mga guro na dapat ay taasan ng Commission on Elections ang allowances at benefits na ibinibigay nito sa mga guro na magsisilbi sa 2022 elections.

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Secretary-General Raymond Basilio, dapat mataasan ang allowances ng mga guro lalo na at may banta ng COVID-19.

Binigyang diin ni Basilio na maliit na bagay lang ang hinihingi na dagdag na allowances ng mga guro at sa pamamagitan nito ay maipapakita ng gobyerno ang pagpapahalaga nito sa nasabing propesyon at sa sakripisyo nito na magsilbi bilang election workers.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Iginiit ni Basilio na hindi naniniwala ang kanilang grupo na kulang na ang pondo ng gobyerno para tugunan ang pandemya.

Sa ilalim ng Republic Act 10756 o Election Service Reform Act, ay dapat mabigyan ng honoraria ang mga tao na magre-render ng election services, kabilang na ang Chairpersons of Electoral Boards (P6,000); Members of Electoral Boards (P5,000); DepEd Supervisor Officials (P4,000); Support Staff (P2,000) at travel allowance na (P1,000).

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Nitong Biyernes ay naghain si ACT Teachers Partylist Representative France Castro ng House Resolution 2181 na naglalayon na pataasin ang allowances ng mga guro na magsisilbi sa 2022 polls.