Alligator gar o monster fish, nahuli sa China

Pinoproblema sa ngayon ng mga awtoridad ang sunod sunod na sightings at pagkahuli ng monster fish o ang alligator gar sa mainland China.

Ang pagkakahuli sa mga isda na parang buwaya ang itsura ay kasunod sa pagkatuyo ng ilang lawa sa naturang bansa kamakailan.

Sa report, umaabot na sa walong probinsiya na sa China ang mayroong monster fish invasion.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Ang naturang freshwater fish na may razor-sharp teeth ay maaaring lumaki ng hanggang 3 metro ang haba. Ito ay native mula sa North at Central America, 100 milyong taon na ang nakalilipas.

Nitong nakaraang linggo lamang ay isang 8 kilo na monster fish ang nahuli sa isang ilog sa Shanghai. Umaabot ang haba nito ng halos isang metro.

Read More:  Venezuela earthquake death toll climbs to nearly 4,500

Sa Ruzhou City, Henan province, sinadyang patuyuin ang lawa sa lugar para lamang mahuli ang mapaminsalang mga isda.

Ang kanilang pagdami ay lubos na ikinababahala ngayon sa China dahil sa posibleng masamang maidudulot nitong ecological disaster.