Arestado na Indonesia si dismissed Bamban mayor Alice Guo.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo – na-aresto si Guo sa isang hotel sa Batam, Indonesia.
Sa press briefing, ipinasilip niya ang ilang mga larawan mula sa meeting kasama ang kanilang mga counterparts sa Indonesia.
Sabi ni Fajardo, sa oras na makabalik na ito ng bansa, isasailalim ito sa kustodiya ng PNP, at posibleng i-turn-over sa Senado kung saan mayroon siyang standing warrant of arrest.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga counterparts sa Indonesia para sa pagpapa-uwi kay Guo sa bansa.