Sinuspendi ng United Kingdom ang pagpapadala ng armas sa Israel.
Ang hakbang na ito ay bilang pag-iwas na baka gamitin ng Israel ang mga armas para makagawa ng seryosong paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kay UK Foreign Secretary David Lammy, nasa 350 arms export licenses ang kanilang sinuspendi.
Ikinadismaya naman ni Israeli Defense Minister Yoav Gallant ang naging desisyon ng UK.
Giit ng Israel na parang nabigyan pa ng pagkakataon ang mga Hamas na samantalahin ang pagkakataon.