Alfonso Bichara Memorial Hospital sa Daraga, Albay, papatakbuhin na ng LGU Daraga

LEGAZPI CITY – Papatakbuhin na ng lokal na pamahalaan ng Daraga sa Albay ang isang hospital na kasalukuyang pinapatakbo ng provincial government of Albay sa nasabing bayan.

Sa anunsyo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo, nakipagpulong na ito kay Albay Governor Noel Rosal para hingiin ang permiso na sila na ang humawak ng operasyon ng Alfonso Bichara Memorial Hospital na matatagpuan sa barangay Anislag ng nasabing bayan.

Read More:  DOJ recommends charges against police officer over Tacloban school shooting gun

Sa nasabing meeting,  agad naman na inaprubahan ng gobernador ang nasabing request.

Sinabi ni Baldo sa kanyang mga residente na gagamitin umano ito kung magkaroon na ng infirmary hospital kung saan pwede nang mag-admit ng pasyente para sa primary care.

Read More:  19-year-old woman found dead in Lupon, Davao Oriental, with head injury

Maglalagay rin sila ng lying-in at dagdag pasilidad na mayroon na CT scan, ultrasound at iba pa.

Ito rin ang kauna-unahang hospital na papatakbuhin ng LGU Daraga.