Nabigo si Alex Eala sa kanyang unang Grand Slam stint bilang isang professional matapos na tumagal lamang ito ng isang laro at mabigo sa laban kay Misaki Doi ng Japan sa unang round ng 2023 Australian open qualifiers sa Melbourne ngayong araw.
Matapos ang strong opening set win, dinomina ng 17-anyos na Pinoy ang second frame na may 5-2 na kalamangan at umabot sa ikalawang round ng qualifiers.

Gayunpaman, ang 31-anyos na si Doi, na rank No.172 sa Women’s Tennis Association, ay nagpakita ng pressure at umiskor ng apat na sunod na laro bago pinilit ni Eala ang isang tiebreaker.
Ngunit hindi napigilan ang kalabang Japanese at kinuha ang full control sa tiebreake,7-1 upang makuha ang come-from-behind win sa loob ng dalawang oras at 37 minuto ng laro.
Makakaharap ni Doi si Laura Pigossi ng Brazil sa ikalawang round ng qualifiers bukas.//CA