Alert level system sa NCR, posibleng palawagin hanggang Oktubre – DILG

Malaki ang posibilidad na mapalawig pa hanggang sa Oktubre ang ipinapatupad na pilot implementation ng bagong alert level system sa National Capital Region.

Ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing III batay sa inisyal na pag-uusap ng IATF, may indikasyon na magtuloy-tuloy ang pagpapatupad ng alert level 4 hangang sa susunod na buwan.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Inihayag ni Densing na nakikita umano ng IATF ang epekto ng bagong lockdown system hindi lang sa aspeto ng kalusugan kundi pati na rin sa usapin ekonomiya.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Maliban dito may posiblidad din na palawakin pa ang alert level system sa ibang mga probinsiya sa labas ng Metro Manila.

Nilinaw naman ni Densing na maari itong ipatupad sa mga pilot provinces at mga highly-urbanized city.