100% capacity ng classrooms para sa college level in-person classes, pinayagan ng IATF

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga higher educational institutions na magsagawa ng face-to-face classes gamit ang 100% capacity ng mga silid-aralan sa mga COVID-19 Alert Level 1 areas.

Sinabi ni acting deputy presidential spokesperson Kris Ablan na makikita ito sa ilalim ng IATF Resolution 164 na inisyu nitong Biyernes.

Read More:  Camp of former President Duterte continues preparations for ICC trial

Gayunman, nanindigan ang IATF na mananatiling limitado ang in-person classes sa mga fully vaccinated na teaching at non-teaching personnel, at sa mga estudyante.

Magpapatuloy naman ang flexible learning modalities para sa mga estudyante na hindi pa bakunado o partially vaccinated.

Read More:  Atin Ito Coalition denies ‘planted trash’ claims by Chinese media

Ipinunto rin ng IATF na para sa operasyon ng HEI student dormitories ay wala nang ipatutupad na restriksyon sa kanilang operational capacity.

Gayunman, kailangan ng HEI na mag-secure ng clearance mula sa kanilang mga Local Government Units.