LEGAZPI CITY – Nakatakdang magsagwa ng Information, Education, and Communication (IEC) Campaign ang Albay Electric Cooperative (ALECO) sa ilang mga lugar sa lalawigan ng Albay ngayong buwan ng Hunyo.
Sa darating na Hunyo 20, magsasagawa sila ng IEC campaign sa ALECO Grounds, Main Office, Albay District, Legazpi City, kung saan maaaring dumalo rito ang mga opisyal ng Member-Consumer-Owners Program for Empowerment (MCOPE).
Sa Hunyo 21, isasagawa rin ito sa Brgy. Bonga Covered Court, Ligao City kung saan maaaring dumalo ang ang mga member-consumer mula sa mga bayan ng Guinobatan, Oas, Jovellar, Pio Duran, Polangui, at Libon.
Sa Hunyo 26 naman, nakatakda rin itong isagawa sa Brgy. Cormidal Covered Court, Tabaco City, kung saan pwede namang dumalo ang mga member-consumer mula sa mga bayan ng Tiwi, Malinao, Malilipot, Bacacay, at Sto. Domingo.