Kampanya kontra ilegal na droga, patuloy pa rin: P190,000 halaga, nasamsam sa isang araw na operasyon

BNFM Bicol- PATULOY pa rin ang kampaniya ng Philippine National Police o PNP Bicol kontra ilegal na droga sa rehiyon.

Sa naging operasyon nito kahapon, Hunyo 19, 2024, nakumpiska nila ang aabot sa 27.9 gramo ng shabu at 4 gramo ng marijuana na may kabuoang P190,000 ang halaga.

Kaakibat ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nagsagawa sila ng apat na operasyon kontra droga at mayroong apat naaresto sa isang araw na operasyon.

Alinsunod sa kanilang layunin na wakasan ang palitan ng ilegal na droga sa rehiyon, patuloy nilang gagampanan ang kanilang misyon bilang mga tagapagpatupad ng batas. ### Nico Merciales, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *