Albayano, gold medalist sa 1,500-meter run boys sa Palarong Bicol; ina nitongf OFW, labis ang kasiyahan

LEGAZPI CITY – Proud parent ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) single mother na si Marina Colasi matapos na masungkit ng kanyang anak na si Anthony mula sa Brgy. Misibis, Tiwi, Albay ang gold medal para sa Athletics 1,500 meter run boys sa nagpapatuloy na Palarong Bicol 2024 sa nasabing lalawigan.

Sa panayam sa kanya ng Brigada News FM Legazpi, sinabi niya, halos hindi na siya naka-focus sa trabaho matapos matanggap ang chat ng anak na nanalo ito sa laro.

Ibinahagi ni Colasi, elementary pa lamang si Anthony ay sumasabak na ito at humahakot ng mga medalya sa track and field na siya ring sports niya noong kabataan niya.

Aniya, nagmana umano sakanya ang kanyang anak, at noong kabataan niya’y nagkaroon din sana siya ng pagkakataong makasama sa Palarong Bicol, subalit dahil sa kakulangan sa pinansyal at suporta mula sa gobyerno, hindi ito natuloy.

Dahil umano rito, pinush niya ang kanyang anak na ipagpatuloy ang kanyang hilig at laban lang nang laban.

Samantala, hindi lamang umano sa 1,500 meter run nagtatapos ang laban ni Anthony.

At anuman umano ang mangyari, manalo o matalo, palagi siyang nakasuporta para sa kanyang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *