Ex-PRRD, ‘di pa iimbitahan sa pagdinig re: alleged ‘gentleman’s agreement’ w/ China

Matutuloy ang pag-iimbestiga ng Kamara sa umano’y gentleman’s agreement ng dating administrasyong Duterte sa China hinggil sa West Philippine Sea bago ang sine die adjournment.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, bilang pagtupad sa oversight powers ay layon ng pagdinig na matukoy ang epekto ng sinasabing kasunduan sa pambansang interes lalo na sa soberanya at integridad ng Pilipinas sa mga teritoryo.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Sa pulong balitaan ay iginiit ni Romualdez na tulad ni Pangulong Bongbong Marcos ay “horrified” din siya sa ideya ng gentleman’s agreement dahil maaaring may nakompromiso rito.

Maaari aniyang simulan ang pag-imbita sa mga dating opisyal ng gobyerno sa halip na si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sila ang nagpapatupad kapag may kasunduan.

Kabilang na rito ang Foreign Affairs officials, dating Executive Secretary, Press Secretary at mga nagsasalita hinggil sa isyu.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Punto ni Romualdez, may nagsasabing mayroong kasunduan habang may naninindigan din na wala kaya dapat malaman kung nagbubudol-budol ang mga dating miyembro ng gabinete.

Paliwanag pa nito, kapag may international agreements ay kailangang naka-dokumento at ipaalam sa publiko samantalang ang mga “treaty” ay raratipikahan at ang Executive Orders ay pirmado ng pangulo ng bansa.