Albay Provincial Government, patuloy sa pagpapa trabaho ng mga infrastructure projects partikular ng mga health facilities

BNFM BICOL—Inihayag ni Albay Provincial Engineer – Dante Baclao, na nakatuon ngayon ang pamahalaang panlalawigan sa patuloy na pagpapa trabaho ng mga gusali at imprastraktura higit na ng mga pagamutan o mga health facilities.

Read More:  Drunk passenger stabs fellow bus rider in Cebu

Ayon kay Baclao, nagpapatuloy ngayon ang rehabilitation ng Ziga Memorial District Hospital sa lungsod ng Tabaco habang operational na rin aniya sa ngayon ang Dialysis Center na matatagpuan sa Albay Skin Clinic at Josefina Belmonte Duran Albay Provincial Hospital sa lungsod ng Ligao.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Dagdag pa nito, layunin umano ng pamahalaang panlalawigan na maipagpatuloy ang pagtatayo ng mga infrastructure projects na makakatulong sa bawat Albayano lalo na ngayong may banta pa rin ng pandemya.###