Albay PPO, mahigpit ang pagbabantay para sa nalalapit na Semana Santa

LEGAZPI CITY – Magkakaroon ng mahigpit na pagbabantay ang Albay Police Provincial Office (PPO) sa darating na Semana Santa.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Police Lieutenant Lanie Mendoza Dinay-og, sinabi nito na magkakaroon sila ng regular inspection sa mga terminal ng bus, international airport, at sa iba pang pampublikong lugar.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Dagdag pa nito, sa gagawing operasyon sa lalawigan, tinututukan nila ang posibleng paglitawan ng mga kawatan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Samantala, paalala rin niya sa publiko na maging maingat at mapanuri upang matiyak ang kaligtasan ng lahat. | Brigada Intern ROSE ANN MARIE EXCIJA