Albay PPO, dumalo sa isinagawang 4th quarter PPOC at PADAC joint full council meeting

Dumalo ang Albay Police Provincial Office sa isinagawang 4th Quarter PPOC/PADAC Joint Full Council Meeting sa Albay Astrodome, Legazpi City nitong nagdaang araw, kung saan pinangunahan ito ni Albay Gov. Edcel Grex Lagman kasama sina PCOL. Fernando Cunanan, Jr., at PLTCOL. Dixon Berango.

Tinalakay sa pulong ang mga update sa pagpapatupad ng mga plano at programa ng kani-kanilang ahensya sa peace and order, anti-illegal drugs campaign, at pagpapatupad ng Enhanced Comprehensive Livelihood Integrated Program (ECLIP) ng Local Government Units, DILG, PNP, AFP-PA, PDEA, at PSWD.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kabilang sa mga highlights ng aktibidad ay ang mosyon na ginawa ng Over-all Coordinating Chairman, Dr. Cedric Daep, sa pagbalangkas ng isang resolusyon na nagpupuri sa Albay PPO sa mahigpit na pagpapatupad ng Local Traffic Codes sa pamamagitan ng sinimulan nitong programa na tinawag na Kaayusan sa Daan, Mabagal na Sasakyan Manatili sa Kanan, na malaki ang naiambag sa pagtaas ng kita ng lalawigan para sa kasalukuyang taon.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa presentasyon ng mga crime statistics at mga accomplishment, inihayag ni Berango ang pangako ng kapulisan na gawing ligtas at maganda ang lalawigan sa tulong at suporta ng komunidad sa pamamagitan ng aplikasyon ng Peace and Security Framework ng PNP, ang Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, tungo sa Kaunlaran (MKK=K) at ang ROaD to K (Kaunlaran) program ng Regional Director ng Police Regional Office 5.