Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang release ng P44, 380, 800 para sa funding requirements sa itatayong Marawi City General Hospital.
Inaprubahan ang release ng Special Allotment Release Order (SARO) sa Department of Health (DOH) – Northern Mindanao Center for Health Development (NMCHD), Region X.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, hindi nila pababayaan ang Marawi.
Aniya, bilang isang Maranaoan, ang rehabilitasyon at pagrekober ng Marawi City ay isang proyektongt malapit sa kanyang puso.
Dagdag pa ni Pangandaman, ipinag-utos sa kanila ni Pangulong Bong Bong Marcos na unahin ang kapakanan at kalusugan ng mga tao.//SMM
#
