2-patay, 6-sugatan sa pamamaril sa opening match ng Women’s soccer World Cup sa New Zealand

DALAWA ang patay habang hindi naman bababa sa anim na katao ang sugatan matapos ang nangyaring shooting incident sa Auckland City sa New Zealand.

Sa ulat ng local media sa lugar, nangyari ang insidente ilang oras bago ang pagsisimula ng opening match ng Women’s soccer World Cup sa lugar.

Read More:  153 killed in drone strike on market in Abyei, Africa

Sa isang panayam, sinabi ni New Zealand Prime Minister – Chris Hipkins na wala umanong natukoy na anumang political o ideological na motibo sa insidente at hindi rin ito nagpahiwatig ng national security risk .

Read More:  One killed, eight injured in attack on Saudi Arabia’s King Fahd airport

Sakabila nito, mas pinalakas naman ang pwersa at presensya ng mga kapulisan sa lungsod.

Samantala, nagpatuloy naman ang naturang laro sa mismong araw ng pagsisimula nito.### JUMEL DELA ROSA