BICOL—Pangalawa ang lalawigan ng Albay sa may pinakamaraming nabakunahan kontra COVID-19 sa Bicol sa unang araw ng pag-arangkada ng Bayanihan Bakuna National Vaccination Days.
Base sa record, umabot sa 34,662 ang nabakunahan sa Albay, pangalawa sa bilang ng mga nabakunahan sa Camarines Sur na umabot sa 50,588.
Pangatlo ang Sorsogon na naka- 29,163, pang-apat ang Masbate na nakapagbakuna ng 18,072, panlima ang Camarines Norte na may 14,610 na nabakunahan at pang-anim ang islang probinsya ng Catanduanes na nasa 13,170 ang mga nabakunahan sa unang araw.
Sa kabuuan, umabot sa 163,285 na mga Bicolano ang nabakunahan kontra COVID-19 nitong Nobyembre 29 base sa Vaccine Online Registry System (VORS).
Dahil dito, nagpanlima ang Bicol sa buong bansa sa may pinakamaraming mga nabakunahan sa unang araw ng Bayanihan Bakunahan.
Sa ngayon, patuloy pa ang pagbakuna sa iba’t-ibang age group para sa ikatlong araw ng aktibidad.### | slm