Albay, nakapagtala ng 18 mga kaso ng COVID-19

LEGAZPI CITY – Naitala ang labingwalong mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Albay kahapon batay sa ulat ng Albay Provincial Health Office (PHO).

Sa datos ng tanggapan, parehong apat na kaso ang naitala sa Daraga at Legazpi City; tatlo sa Tabaco City; dalawa sa Pio Duran, habang tig-iisa naman sa Bacacay, Malinao, Polangui, Sto. Domingo at Tiwi.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Anim sa mga nagpositibo ang kasalukuyang naka-quarantine ayon sa PHO, tigdalawang admitted at in-patient, samantalang walo naman sa ngayon ay inaalam pa ang status.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu


Paalala ng nasabing tanggapan, sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols at magpabakuna upang maiwasan ang hawaan o ang pagkalat ng naturang sakit.