Albay, muling nakapagtala ng kaso ng COVID-19

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Bicol na nakapagtala ang lalawigan ng Albay ng isang kaso ng COVID-19.

Sa datos mula sa ahensya, ito ay mula sa lunsod ng Legazpi.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Wala namang bagong naiulat na gumaling o namatay dahil sa nabanggit na sakit.

Dalawang bagong kaso lamang nito ang naitala sa buong rehiyon ng Bicol batay sa pinakahuling bulletin ng ahensya, kung saan ang isa ay mula sa Naga City.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Sa kasalukuyan, 1,558 na ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19.