Aabot sa 80 mga naagrabyadong mga manggagawa, nabigyan ng monetary entitlement mula sa DOLE Bicol

LEGAZPI CITY – Hindi bababa sa 78 naagrabyadong mga manggagawa ang nabigyan ng monetary entitlement mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol.

Natanggap ng mga manggagawa ang tseke na nagkakahalagang PHP58.6M kung saan ito ang natitirang balanse ng kanilang separation benefits at back wages plus legal interest sa mga dati nitong pinagtrabahuhan.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Ang nasabing pagbibigay ng tseke ay isinagawa sa DOLE RO5 Activity Center sa Legazpi City na dinaluhan ni DOLE Bicol Regional Director Ma. Zenaida A. Angara-Campita at iba pang mga kawani.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nagpahayag naman ang mga manggagawa ng kanilang pasasalamat sa suporta ng DOLE at sa matagumpay na paglutas ng kanilang kaso.