Albay gov., hinimok ang isang barangay na pagbutihin ang produksyon ng ice cream

LEGAZPI CITY – Hinimok ni Albay Gov. Noel Rosal ang Brgy. Cabangan, San Miguel sa lalawigan na pagbutihin at palakasin ang produksiyon ng ice cream, kaugnay ng ipinagdiriwang na ice cream festivgal kahapon sa nasabing lugar.

Kasama sa nasabing pagdiriwang at seremonya si Legazpi City Mayor Gie Rosal.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon sa Gobernador, kailangang pagbutihin ang produksyon at pagpapaunlad ng ice cream sa barangay dahil ito ay nagsisilbing pagkakataon upang sa susunod na henerasyon ay mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa paggawa ng sikat na matamis na delicacy bilang dagdag na atraksyon sa mas maraming turista.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Pinuri rin nito ang mga gumagawa ng ice cream bilang kanilang marangal na pinagkukunan ng kita at kabuhayan. Ginawaran ng gobernador kasama ang alkalde ang mga nanalo sa Ice Cream Making Contest ng mga cash prize at iba pang give-aways.