Misis pinagsasaksak ng mister na seaman, patay; selos, motibo sa krimen

Walong saksak sa katawan ang tinamo ng isang ginang matapos siyang pagsasaksakin ng mister sa Brgy. Centro 1, Sanchez Mira, Cagayan.

Sa ulat ng Sanchez Mira Municipal Station, kinilala ang biktima na Pamela Puzon, 28-anyos habang ang suspek na mister ay kinilalang si Joshua Puzon, 26-anyos at isang seaman.

Ayon sa pulisya, pinagsasaksak ng suspek ang asawa gamit ang kutsilyo sa harap mismo ng kanilang limang taong gulang na anak.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Naidala pa ang biktima sa pagamutan subalit binawian din ng buhay.

Nagawa pa umanong sabihin ng biktima na ang asawa ang sumaksak sa kaniya bago pa siya nalagutan ng hininga.

Agad namang isinagawa ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek sa tahanan ng kaniyang lola sa Flora, Apayao.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na selos umano ang motibo sa krimen.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Sanchez Mira ang suspek habang isinailalim naman sa stress debriefing ang 5-anyos na batang nakasaksi sa karumal-dumal na krimen.

photo/SMPNP