Albay Food Bridge Program, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng mga pagkain sa mga bakwit ng Bulkang Mayon sa mga evacuation centers

LEGAZPI CITY – Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng mga pagkain ng Albay Food Bridge Program para sa mga bakwit ng Bulkang Mayon sa mga evacuation center sa lalawigan.

Ang Food Bridge Program ay isa sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay na naglalayong magbigay ng tuloy-tuloy na tulong sa mga bakwit na apektado ng Mayon.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Namahagi naman kahapon ng mga sariwang gulay, isda, at produktong pinatuyong isda sa Malilipot at Tabaco City sa ilalim ng nasabing programa.

Kasama sa mga namahagi kahapon sina Senador Bong Go at si Albay Governor Edcel Greco Lagman na silang gumagabay sa kaganapan.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ayon naman kay Lagman, masaya siya na makabisita sa mga evacuation center na may dalang kumpletos rekados na ayuda.

Ipinahayag din ni Lagman ang kanyang pasasalamat kay Sen. Bong Go para sa pangako nItong pagsuporta sa Assistance to Individuals in Crises Situations (AICS) upang matulungan ang mga evacuees.