Albay Cathedral, inilatag ang mga aktibidad na isasagawa ng kanilang parokya ngayong Semana Santa

BNFM BICOL—Inilatag ng pamunuan ng Albay Cathedral ang mga nakatakdang aktibidad na isasagawa ng kanilang parokya ngayong Semana Santa.

Batay sa anunsiyo ng St. Gregory the Great Parish, kahapon ng Lunes Santo ay isinagawa ng parokya ang Lenten Evening Reflection, pagpakumpisa at recollection.

Ngayong araw ng Martes Santo, isasagawa mamayang alas otso y medya hanggang alas onse ng umaga ang reflection habang ala una y media haggang alas kwatro ng hapon naman ang pagpapakumpisal.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Bukas ng Miyerkules Santo, isasagawa ang Perpetual Help Novena alas singko y media ng hapon, mayroon ding misa at pagpapakumpisal.

Alas otso ng umaga naman sa Huwebes Santo, idadaos ang ‘Chrism Mass’ habang gugunitain naman ang Huling Hapunan at Paghugas ng Paa alas singko y media ng hapon.

Sa darating na Biyernes Santo ay walang isasagawang Misa, bagkus ay idaraos ang “Siete Palabras” mula alas dose ng tanghali, habang sisimulan ang selebrasyon ng pasyon ni Hesus, alas tres ng hapon at pagkatapos nito ay isasagawa ang prusisyon ng Santo Entierro habang alas diyes naman ng gabi ang prusisyon ng Birhen Soledad.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa Sabado Gloria, magsisimula ang Easter Vigil alas otso ng gabi, habang alas kwatro naman ng madaling araw isasagawa ang “Salubong” sa Linggo ng Pagkabuhay.###