LEGAZPI CITY – Tuloy na tuloy na ang unang araw ng aplikasyon para sa Civil Service Commission para sa Hunyo 19, 2022.
Ito’y matapos magkaroon ng appointment sa ‘onsched link’ noong nakaraang Abril 8, 2022.
Matatandaan, umani ng samu’t saring reklamo sa social media ang nasabing appointment matapos umano’y ‘mag-crashed’ ang server ng system ng ahensya.
Sa pahayag ni Director IV Daisy Punzalan Bragais ng Civil Service Commission Regional Office V, humihingi sila ng dispensa sa mga hindi nakakuha ng slots sa appointment at kinumpirmar na limitado lamang ang pwedeng makapag-take ng exam.
Samantala, pipilitin din ng ahensya na magkaroon pa ng susunod na aplikasyon para sa umano’y August 2022 exams.