UFO sinita ng mga traffic enforcers sa Mexico dahil sa paglabag sa batas trapiko

Sinita ng mga traffic enforcers ang tila Unidentified Flying Object o UFO dahil sa ilang paglabag sa batas trapiko.

Ayon sa enforcer, pinahinto niya ang UFO-inspired vehicle dahil hindi masyadong kita ang plate number nito.

Sa halip naman na isyuhan ng ticket dahil sa violation, pinaalalahanan lang niya ang mga sakay at sinabihang tiyakin na visible ang plate number.

Napag-alaman naman na ang UFO na sasakyan ay papunta pala sa New Mexico para dumalo sa Roswell UFO Festival.

Ang Roswell ay isang siyudad sa southeastern part ng News Mexico na kilala bilang site ng reported UFO crash noong 1947.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *