Alagang manok, nagmistulang alarm clock ng isang pet-owner

Hirap ka bang gumising sa umaga araw-araw dahil kahit anong alarm ng iyong telepono ay hindi pa rin ito effecitve?

Baka ito na ang solusyon!

Isang lalaki kasi sa China ang hindi na  bumili ng alarm clock dahil sa alaga niya manok na araw-araw ginigising sa tabi ng kanyang higaan para tumilaok tuwing umaga.

Read More:  Zamboanga tricycle driver returns bag containing ₱800,000

Kinlala ito bilang si Qi Wentong, na nag-aalaga sa tandang na si Rourou.

Read More:  Zamboanga tricycle driver returns bag containing ₱800,000

Umaakyat daw talaga ang manok sa kanyang kwarto bandang alas-7 ng umaga at pupuwesto sa kaniyang ulunan at buong lakas na titilaok.

Mula na noon, hindi na siya na-late nang gising dahil aniya, walang palya si Rourou sa kanyang tilaok araw-araw.