3 COVID-19 fatalities at 6 na karagdagang kaso ng sakit naitala sa Bicol kahapon

BNFM BICOL- Umabot na sa 1,896 a ng kabuuang bilang ng COVID-19 fatalities sa Bicol Region matapos makapagtala ng tatlong karagdagang fatalities ang DOH kahapon.

Basado sa datus, pawang mula sa lalawigan ng Albay ang mga indibdiwal na nasawi.

Samantala, anim na karagdagang bagong kaso ng sakit naman ang naitala ng ahensya.

Read More:  Bantay Dagat boat destroyed by fire off Alcoy, Cebu

Dalawa nito ay mula sa Legazpi City, tig isa sa bayan ng Manito at Polangui Albay habang dalawa rin ang nairehistro mula sa Catanduanes na pawang mula sa bayan ng Caramoran.

Bunsod nito pumalo na sa 3,351 ang aktibong kaso ng sakit sa buong rehiyon mula sa kabuuang 46,754 na mga naitalang kumpirmadong kaso.

Read More:  ₱799M illegal cigarette operation uncovered in Negros Occidental; 10 Chinese arrested

Sakabila nito, patuloy naman ang pagdami ng mga nakakarekober sa naturang sakit makaraang madagdagan ng 121 recoveries kahapon.

Sa naturang bilang, 85 nito ang mula Albay, 29 sa Naga City habang lima naman ang mula sa Sorsogon.

Patuloy pa rin ang paalala ng DOH sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa serbisyung salud bikolnon.###