NAGA CITY- Naibaba na sa 50 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur.
8 ang bagong gumaling kahapon, dalawa ang nag positibo na mga residente ng San Rafael , Tigaon at Caranan Pasacao. Sa kasalukuyan mayroon nang 16, 933 cumulative cases ang probinsya; 16,255 ang gumaling na habang 628 ang nasawi.
Ayon sa Department of Health Bicol epektibo ang bakuna upang matigil ang mabilis na transmission ng virus.
Para kay Andrea Astillero , malaking bagay na mababa na ang kaso. Ibinahagi sa BNFM-Naga na magaan na makapagbiyahe sa lalawigan. Si Astillero ay residente ng Garchitorena na umuuwi minsan sa mga magulang nito sa bayan ng Tinambac.