Aktibong kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte nananatili sa double digit

CAMARINES NORTE- Nananatili pa rin sa double digit ang aktibong kaso ng COVID- 19  sa lalawigan ng Camarines Norte katulad noong nakaraang linggo.

Sa tala ng Provincial Health Office na ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, nasa labingdalawa pa ang aktibong kaso ng sakit sa lalawigan as of October 19.

Ang mga ito ay nagmula sa Daet na mayroong anim, tatlo sa Sta Elena at tig iisang kaso naman sa Labo at Vinzons.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Dahil dito umaabot na sa 4, 403 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 na naitala sa lalawigan simula noong 2020.

Sa bilang na ito 262 ang nasawi o 5. 95 percent at ang pinakamarami ay noong 2021 na may 218.

Mula Enero hanggang sa kasalukuyan ay mayroong naitalang karagdagang 35 kaso.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Nasa 4, 129 naman ang gumaling o 93. 78 percent

Kaugnay nito ay patuloy pa ring pinapaalalahanan ang publiko na gawin ang mga kinakailangang pag iingat dahil hindi pa tapos ang pandemya.

Ngayong linggo lang ay iniulat ng Department of Health na na-detect sa bansa ang XBB, XBC Omicron sub-variant

Base umano sa  paunang pag-aaral, mas nakakahawa ang XBB at XBC kumpara sa original Omicron at B-A-point-Five Variants.