SP tinabla ang ipinasang ordinansa ng SB Basud na nagkakansela sa license to operate ng isang sabungan, ang mga susunod na hakbang ng huli pinag aaralan

CAMARINES NORTE- Pinag aaralan ngayon ng Sangguniang Bayan ng Basud ang mga susunod na hakbang hinggil sa pagkaka dis- approve ng Sangguniang Panlalawigan sa Municipal Ordinance No 194- 2020 na nagkakansela sa License to Operate ng San Felipe New Cockpit Arena sa Barangay San Felipe sa naturang bayan.

Tinalakay noong nakaraang Lunes sa regular na sesyon ng SB ang tungkol sa naging hakbang ng SP at ni- refer  ito sa joint Committees on Good Government at Games and Amusement para sa kaukulang disposisyon.

Ang naging desisyon ng SP ay dahil sa makailang beses na apela ni Rosito Panotes ang Franchisee ng San Felipe Cockpit Arena na hindi umano binigyan ng due process ng SB sa pagkansela ng license to operate ng naturang sabungan.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Matatandaan na matagal na nakabinbin sa SP ang naturang isyu noon pang nakaraang komposisyon nito.

Batay sa tatlong pahinang resolusyon ng SP, hindi agad ito nadesisyunan noon dahil nagkaroon muna ng serye ng konsultasyong ligal.

Bukod dito may hiwalay din itong usapin sa Office of the Ombudsman kaya hinintay na muna ang desisyon nito.

 “Whereas, in the light of the decision of the Ombudsman, the same is considered final and executory as a matter of course only between the parties involved; however, Ombudsman Decisions, though not controlling, clearly shows that the Municipal Ordinance No 194- 2020 of the Sangguniang Bayan of Basud was enacted beyond the scope of the prescribed powers of the Sangguniang Bayan concerned; thus, this body finds it proper to disapprove the ordinance mentioned,” bahagi ng dispositive portion ng SP Resolution No 530- 2022

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Posible namang maghain ng Motion for Reconsideration ang SB sa naging resolusyon ng SP.