Aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol, nasa 1,843 pa makaraang madagdagan ng 5 bagong kaso kahapon

BNFM BICOL—Nasa 1,843 pa ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol region batay sa pinakahuling datus ng Department of Health.

Mula sa naturang bilang, ang Naga City ay may 600 pang aktibong kaso ng sakit; ang Camarines Sur ay may 452; nasa 354 sa Masbate; 115 sa Albay; 90 sa Catanduanes; 20 sa Legazpi City; walo sa Camarines Norte at dalawa naman ang aktibong kaso sa lalawigan ng Sorsogon.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga
Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Nadagdagan naman ng limang mga panibagong kaso ng sakit ang rehiyon kahapon, daan upang sumampa na sa 59,015 ang mga kumpirmadong kaso ng sakit sa Kabikolan.###