Aktibistang si Sasah Sta. Rosa may panawagan sa mga kabataan matapos na makalaya

NAGA CITY- Labis ang galak ng aktibistang si Anakbayan Naga City Chairperson Sasah Sta. Rosa matapos na matangap ang release order sa kulungan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Sta. Rosa sinabi nitong matapos ang halos anim na buwang pagkakabilanggo sa wakas nagtagumpay sila laban sa isinampang kaso na illegal possession of firearms and explosives.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Mababatid na naaresto ang estudyante sa bisa ng search warrant na isinilbi sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG sa Barangay Cararayan, Naga noong Mayo.

Panawagan nito sa mga kabataan, magkaroon ng pakialam sa bansa dahil marami silang papel at kakayahang maitama ang mga maling sistema.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Samantala, nagpasalamat si Atty. Ricky Tomotorgo sa mga kasamahan siyang abogado na naging main counsel na humawak ng kaso ni Sta. Rosa; sina Atty. John Bongat, gayundin sa kanyang mga staff at mga istudyante sa College of Law ng Ateneo de Naga University.