CAMARINES SUR- Patuloy na nakatutok sa mga aksyon kontra bansot ang Rural Health Unit (RHU) Milaor sa Camarines Sur sa kabila ng iba pang isyung pangkalusugan na nagsisilabasan lalo na sa mga kabataan.
Sa ipinalabas na datos ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute, 7 sa 10 mga kabataan ang nagkakasakit dahil sa kakulangan sa paggawa ng mga physical activities.
Sa panayam naman ng Brigada News FM Naga kay Dra. April Romulo, Municipal Health Officer ng nasabing bayan, sinabi nito na ang pagkabansot ang isa sa mga dahilan kung bakit karamihan sa mga kabataan ngayon ang hindi masyadong aktibo sa mga physical activities at nagiging sanhi rin para magkaroon ng mga sakit.
Kaya naman mas inuuna nilang sugpuin ang pagkakaroon ng mga stunted o bansot na bata sa bayan upang hindi na magdulot ng iba pang sakit.