AICS, pansamantalang ititigil kaugnay sa BSKE

Inanunsyo ng Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO na pansamantala munang ititigil ang ilang transactions sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

Ayon sa PSWDO, pansamantalang suspendido sa opisina ng Abot Kamay Center ang pagrelease ng cash assistance, pag isyu ng guarantee letter para sa hospital bill at funeral expenses at pagrelease ng assistive devices dahil sa umiiral na election ban kaugnay ng Barangay at SK elections.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Aniya, ang pag resume ng mga nasabing transaksyon ay nakadepende sa COMELEC kung ang opisina ay papagayang magpatuloy ng pagbibigay ng financial at medical assistance.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ito ay upang maiwasan ang usapin o pagkakaroon ng isyu sa paggamit ng pondo sa gobyerno sa panahon ng halalan.