CAMARINES NORTE- Isang 33-anyos na lalaki na may kasong pitong beses na panghahalay ang napasakamay ng mga operatiba sa pamamagitan ng Manhunt Charlie Operation sa pangunguna ng mga tauhan ng 2nd Camarines Norte Provincial Mobile Force Company (CNPMFC) kasama ang Labo MPS dakong 2:45 ng hapon nitong Agosto 16, 2021 sa Purok 1, Barangay Baay, Labo, Camarines Norte.
Ang akusado ay kinilalang si alyas “Aldo”, ahente ng Small Town Lottery (STL) at residente ng nabanggit na lugar.
Si “Aldo” ay naaresto sa pamamagitan ng mandamiento de aresto para sa salang Seven (7) counts of Rape (in relation to RA 7610 of Art 266-4) na ipinalabas ni Hon Leo Lumabad Intia, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 64, Labo, Camarines Norte na may petsang Agosto 6, 2021 at walang rekomendadong piyansa.
Ang naarestong personahe ang akusado sa panghahalay sa kanyang stepdaughter na pitong beses na naganap sa magkakaibang araw nitong buwan ng Abril taong kasalukuyan sa mismong tahanan nito sa Brgy Baay, Labo, Camarines Norte habang wala ang ina ng biktima.
Ang nasabing personahe ay nasa kustodiya na ng Labo MPS para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.