Agri sector – pinaghahanda na sa Bagyong Marce

Panibagong paghahanda na naman ang ipinanawagan ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka at mangingisda sa gitna ng posibleng maging epekto ng Bagyong Marce sa bansa.

Ang mga lugar na dinaanan kasi ng Bagyong Kristine at Leon, ay ang ang mga lugar din na maaaring tamaan ng Bagyong Marce.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Payo ngayon ng ahensya, anihin na agad ang mga matured crops, at isaayos na ang mga post-harvest equipment at facilities.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Maliban dito, ipinag-utos na rin ang paglalagay planting materials at mga alagang hayop sa mga ligtas na lugar.

Ipinapaalala naman sa mga mangingisda na huwag munang pumalaot dahil sa magiging paghagupit ng bagyo.