Pababa na ang bilang ng mga indibidwal na nananatili ngayon sa iba’t-ibang evacuation centers dahil sa Bagyong Kristine at Leon.
Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, mula sa 227,133 – bumaba na ito sa 223,164 individuals, o katumbas ng 56,626 na tumutuloy sa 1,437 evacuation centers sa Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Regions 5,6,7,8,9,10,12, CARAGA at NCR.
Nasa 8,634,862 o katumbas ng 2,201,570 families ang naapektuhan ng kambal na bagyo sa bansa.
Nananatili naman sa 150 ang napaulat na nasawi, 134 ang injured at 20 ang missing.