AFP, wala pang namo-monitor na local armed groups sa bansa na nakiki-simpatiya sa Hamas

Wala pang namo-monitor na anumang local armed groups sa bansa ang Armed Forces of the Philippines na nakiki simpatiya sa militanteng grupong Hamas.

Sinabi ito ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa isang media briefing ngayong araw.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Ayon kay Gen. Brawenr, nababahala ang militar sa panawagan ng Hamas para sa international jihad dahil sa mga nakaraang karanasan katulad na lamang ng nangyari sa Marawi.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Maaalalang kahapon, sinabi ni Defense Sec. Gilberto Teodoro
na wala silang namo-monitor na foreign elements na nakapasok sa Pilipinas.

Bagamat walang namomonitor na foreign elements ay pinalalakas daw nila ang kanilang security at peace settlements sa komunidad.