Buy-bust operation sa Virac, Catanduanes, nagresulta ng pagkakaaresto ng dalawang suspek

BNFM BICOL – ARESTADO sa naganap na buy-bust operation sa Barangay Valencia, Virac, Catanduanes ang dalawang lalaki na umano’y sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga. Pinangunahan ito ng mga tauhan mula sa RPDEU, Virac MPS, PIU, at PNP Maritime Group.

Read More:  Deadly Isabela blast leaves four dead and four children injured

Narekober mula sa kanila ang anim na pakete ng pinaghihinalaang shabu, buy-bust money, at iba pang paraphernalia. Ang mga naaresto ay kasalukuyang nakakulong sa Virac MPS para sa kaukulang disposisyon.

Upang maprotektahan ang pagkakakilanlan ng mga naaresto, hindi inilabas ng kapulisan ang kanilang mga pangalan, alinsunod sa probisyon ng RA 10173 o Data Privacy Act of 2012. Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang malaman ang kabuuang sakop ng kanilang operasyon at posibleng koneksyon sa mas malaking sindikato ng droga sa lalawigan.### Rumer Grant, Intern

Read More:  Tricycle driver stabbed by minor in Bacolod City

Photo Courtesy of Web